Monday, March 16, 2015

Walang Forever?!

Hindi ko 'to sinasabi dahil bitter ako. May mga bagay na napagsasawaan na. Yung dating gustong-gusto mong gawin, ngayon 'di mo na ginagawa. Yung porma mo dati, iba na porma mo ngayon. Yung dati mong ginagamit, nakatambak nalang ngayon. Yung trabaho mo, pwede pa magbago. Ang mga artista, nalalaos din. Ang ugali, nagbabago din. Ang pagtingin, nagbabago. Yung mga nasa relasyon, nagbrebreak din, nagdidivorce. Kahit nakamit mo na ang sinasabi ng lahat na true love, pag namatay kayo maghihiwalay din kayo. Kahit ang mga kaibigan, nagkakawatak watak din, nagkakaroon ng sariling buhay.

Ano point ko? Lahat ng bagay may hangganan. Walang permanente sa mundo na 'to na kahit itong buhay natin hindi permanente. Ganun lang naman kasimple ang aking pananaw kaya 'di ako naniniwala sa forever. Ang literal ba masyado? 'Yun naman kasi ang katotohanan.

Kung ikaw ay naniniwala sa forever parang niloloko mo lang din ang sarili mo. Katumbas lang din 'to sa mag boyfriend/girlfriend na sinasabing "walang iwanan, tayo lang forever." tas magbrebreak lang din pala. Niloloko ninyo lang ang isa't isa kahit gaano man katagal ang relasyon ninyo, maghihiwalay din kayo niyan.

Ang salitang forever ay nagpapaasa lang ng tao. Pinapaasa lang nito ang isang tao na maging dependent sa isang bagay na 'yun akala nila mapanghahawakan nila pang habang buhay at 'pag nasira na ang lahat, wala na, wasak na din sila.

Mukha bang may hugot? Ewan. Wala pa naman nagsasabi sa akin na andito siya sa tabi ko forever at bigla ako iniwan. Sa totoo lang, hindi pa naman ako nabibigo ng forever na 'yan. Sadyang ganito lang talaga ang tingin ko.

Pero nagbago lahat ng aking pananaw ng may nakapagsabi sa akin na may forever daw. PAANO?! May mga nagsasabi na may forever daw at mahahanap natin 'to kay God. True, may tama nga naman dahil ang pagmamahal ng Diyos ay eternal at everlasting. Ang eternal life na kaya niya ibigay sayo, 'dun palang ramdam mo na ang forever niya. Pagikot-ikotin man ang mundo, iwanan ka man ng nga taong malapit sayo, andyan parin Siya para sayo. Hindi ka iiwan kahit ano mangyare. Permanenteng naggagabay at minamahal ka.

So, may forever nga ba? Kung literally ang usapan, walang forever. Ngunit kung sasabihin mong specifically? Oo, may forever nga at kay God mo lang 'yun mahahanap at mararamdaman.

- N xx

No comments:

Post a Comment